Masyado ka naman naging kampanteng mahal kita. Tama na, huli na to. Huli na yung pagpapatanga ko sayo. Ayoko ng magpaka-tanga ng dahil lang sayo. Pinagmumuka mo lang naman akong laging tanga. Tama na, ayoko na. Pagod na ko. Let go na ko, kahit sabihin kong mahal pa kita. Kaya kitang ilet go dahil sa mga pasakit na pinaparamdam mo sakin. Ayoko na, titigil ko na kung anong meron tayo ngayon. Lahat puputulin ko na. Tsaka kung tayo naman talaga ang nakatadhana tayo eh. Hintayin nalang natin ang tamang panahon. Sawang sawa na rin kasi ako magpakatanga eh. Sa mga kasinungalingan mo sakin. Hindi porket palagi kita hinahabol noon, palagi akong nagso-sorry ng parang kawawang nagmamakaawa sayo. Eh hindi na kita kayang iwan? Hindi na kita kayang i-let go? So nagkakamali ka. Kaya ko, kahit pa mahal kita. Hindi sa lahat ng oras pwede akong magpakatanga sayo. Ngayon, nagigising na ako sa katotohanan. Tama na. Ayoko na, pagod na ako.