- Sya pa yung handang tumulong sayo.
- Sya pa yung handang intindihin ka.
- Sya pa yung nandyan para sayo.
- Sya pa yung handang lumapit sayo at mahalin ka.
- Sya pa yung handang gawin ang lahat para sayo.
- Sya pa yung nandyan pa rin sa tabi mo.
Ang swerte mo sa taong ito, dahil sa kahit anong gawin o ipakita mong pagbabalewala sa kanya, nandyan pa din sya para sayo. Pero lahat ng yun sinasayang mo lang dahil hindi ka marunong magpahalaga ng tama. Hindi mo alam yung halaga ng taong ito kaya ayun binabalewala mo lang. Pero dahan-dahan lang sa pagbabalewala. Kasi ang mga bagay na binabalewala mo. Balang-araw ay kakailanganin mo. Ang bagay na binabalewala mo ngayon pag ito nawala, dadating ang panahon na hahanap-hanapin mo din ito.
Sabi nga di ba, hanggat hindi nawawala sayo ang isang bagay, hindi mo malalaman ang halaga nito. Na nasa huli ang pagsisisi. Pero hihintayin mo pa bang magsisi ka sa huli, hihintayin mo pa bang mawala ito? Kung pwede naman na ngayon pa lang ay ayusin mo na ang lahat. Kasi may mga bagay na pag nawala, maaaring hindi mo na ito maibalik. Kaya dapat ngayon pa lang matuto ka nang magpahalaga ng tama at alagaan an