joannelogy

Madalas gusto natin chill lang, saktong nasa tabing dagat lang kayong dalawa. Nag-uusap. Tamang bon fire lang, tamang kwentuhan, tamang kulitan, tamang lambingan at tamang kilig moments lang talaga.

Ito ang pangarap ng dalawang tao na nagmamahalan. Maaring isang pagkakataon din ng lalakeng nanliligaw, o kaya naman pangarap ng isang babaeng humahanga.

Ang pag-ibig parang pag set ng bonfire yan. Kailangan mo ng kasama para mabuo ito, kailangan mo ng kasama para ma enjoy ito, hindi masaya mag bonfire mag-isa, panget mag-salita mag isa.

Para sa magkasintahan ang relasyon ay parang bon fire din. Ang inyong relasyon yung APOY at kayong dalawa yung stick na sinusunog nito. Ang bawat kahoy ay nagsasakripisyo para manatiling malakas ang apoy. Gagawa ka ng gagawa ng paraan dapat para hindi mapatay ang Bon Fire. Kung kailangan baguhin at kailangan palitan gagawin mo, panibagong pagsasakripisyo ulit. Ganyan lang naman para magliyab ang relasyon niyo. Maramdaman ang init ng pagmamahal.

Minsan may malakas na hangin na maaring pumukaw ng apoy, isang agos ng problema na aapula ng apoy. Hindi maiiwasan ito, parte ito sa buhay na nangyayari sa tao. Kailangan mamatay minsan, para matutunan kung saan ilulugar ang susunod na Bonfire. Minsan kayo pa rin, minsan may ibang tao na ulit na magpapaliyab ulit sa mga nabasa at hinangin na kahoy.