thatgirlinpixiehair

Ano nga kaya ang pakiramdam ng mga babaeng sinusurpresa?

Siguro masaya. Sobrang masaya. Kasi the thought na may lalaking nag effort para lang makita siyang masaya, sobra sobra na yun.

Siguro nakakaproud. Kasi hindi naman lahat ng babae binibigyan ng chance na pakitaan ng pagmamahal sa kakaibang paraan, diba?

Oo, maraming babae ang nakakaranas ng may nagmamahal sa kanila. Pero yung mga babaeng nakakaranas mahalin, tapos sasamahan pa ng effort na matindihan? Eh ibang level na ng pagkaswerte yun.

Pag nahanap mo na yung lalaking kaya kang surpresahin at pag-effortan ng bonggang bongga, eh aba wag mo na pakawalan yun. Maraming nangangarap mapunta sa posisyon mo. Wag mo sayangin ang pagkakataong binigay sayo para maging masaya.