Nabiktima ka na ba ng mga taong paasa?

Una kakaibiganin ka, sasabihin na mabait ka pala, na nagsisisi sila na ngayon ka lang sinubukang kausapin.

Pangalawa, kakausapin kana niya ng madalas. Ia-add ka sa Facebook, tapos ipa-follow sa iba mo pang accounts. Tapos pupuriin ka, uungkatin niya mga pictures mo. Iiwanan ka ng maraming messages para hindi matapos yung pag-uusap niyo.

Pangatlo, ipaparamdam niya sayo na interesado siya sayo. Magtatanong tungkol sa buhay mo, ico-comfort ka. Tapos magkkwento naman siya sayo. Ipaparamdam niya sayo na may tiwala siya sayo, na hindi mo siya sasaktan at magiging masaya siya sa piling mo.

Pang-apat, tapos biglang magbabago nalang ang lahat sa inyo. Hindi kana niya masyadong kinakausap, pero nakikita mo naman na online siya. Gusto mo siyang kausapin pero may part sayo na ayaw mo kasi baka sabihin niya, masyado kang "needy".

Panglima, hanggang sa hindi na siya mawala sa isip mo. Palagi mo na siyang inaabangan, palagi mo ng hinihintay yung mga chat/message niya. Pero wala. Kung meron man, saglit nalang yung pag-uusap niyo kasi bigla nalang siyang nawawala.

Panganim, tapos mababalitaan mo nalang na may iba na pala siyang kinakausap ngayon. Yung mga dati niyong ginagawa, ginagawa niya na sa iba. Kaya eto ka ngayon, nasasaktan kasi masyado kang umasa sa kanya. Masyado kang nadala sa kabaitan at pagiging sweet niya sayo.