“Bakit niya ako iniwan? Binigay ko naman lahat, pero bakit ‘di pa rin sapat?” Minsan ba naisip mo kung bakit natapos ang lahat sa inyo? Yung mahabang pagliligawan, yung mga masasayang ala-ala na nabuo niyo, yung mga araw na halos magwala siya sa sobrang selos, tapos ngayon wala na kayo. Binitawan ka nalang niya na para bang wala kayong pinagsamahan, ang bilis niyang sumuko, itinapon nalang niya lahat na para bang wala kang halaga sa kanya. Saan ka kaya nagkulang? Nagkulang ka ba talaga o hindi lang talaga siya nakuntento? Pero bakit? Ano bang rason niya? Kahit masakit, tanggap mo na naman yung kapalaran niyo na hanggang dun nalang talaga ang lahat.
Sinusubukan mo namang maging masaya, sinusubukan mo namang ibalik yung dating ikaw. May mga gabi lang talaga na maiisip mo nalang kung gaano kayo kasaya dati. Yung mga panahong mahal na mahal ka pa niya. Grabeng pagpupuyat makausap niyo lang ng matagal ang isa’t isa. Yung nag-iiyakan kayong dalawa sa tuwing mag-aaway kayo. Yung mga plano niyo sa monthsary niyo, yung mga plano niyo pagkatapos niyong maggraduate. Halos lahat ng bagay, ginagawa niyo ng magkamasa. Nagkaroon siya ng malaking parte sa buhay mo, tapos biglang iiwan ka nalang niya kasi hindi na siya masaya. Isang tao lang yung aalis sa buhay mo pero halos magunaw na yung mundo mo.
Ang hirap magsimula ulit. May mga alaala pa din na hindi mo mabitawan kaya nahihirapan kang magmove-on. Yung nakailang hakbang kana, tapos babalik ka ulit kung saan ka nagsimula kasi natatakot kanang masaktan ulit. Pero dapat kayanin mo kasi para sayo lang din naman to. Huwag mong sukuan yung sarili mo na sumaya ulit. Paunti-unti, buohin mo ulit yung sarili mo, hindi man madali pero tutulungan ka ng oras para maghilom yung sugat sa puso mo. Makakatayo ka ulit. Mararanasan mo ulit sumaya, magmahal at mahalin ng isang tao, sa pagkakataong ‘to magiging maayos na ang lahat. Hindi kana iiyak, hindi kana niya iiwan.
Fuck