Yung may napagsasabihan ka sa mga bagay-bagay.
Yung pwede mong hingin yung payo o mga opinyon nila sa tuwing magdedesisyon ka.
Yung kapag hindi mo na kaya, pwede kang umiyak sa balikat nila.
Yung kapag may hindi kayo napagkakasunduan, nasasabi mo sa kanila ito ng hindi ka napagtataasan ng boses.
Yung naiintindihan ka nila na bilang isang anak, minsan nakakagawa ka ng mga maling desisyon at imbis na magalit sila, tanggap ka pa din nila.
Yung suportado ka nila sa lahat ng bagay. Hindi ka takot abutin ang mga pangarap mo kasi alam mong nasa likod mo lang sila.
Kapag nadapa ka, sila yung unang-unang magtatayo sayo, sasamahan ka nila na lakbayin yung daan na gusto mong tahakin hanggang sa makaya mo na ulit maglakad mag-isa.
Alam mo na kahit anong mangyari, maabot mo man o hindi ang mga pangarap mo, paulit-ulit ka mang magkamali sa buhay, hinding hindi ka mag-iisa, may pamilya kang uuwian.