Kapag hindi siya nagte-text, tumatawag o nagcha-chat. - Sinasabi mo sa sarili mo na siguro wala lang talagang load at sobrang busy siya sa studies niya para magpaload. Tiwala lang! Magpaparamdam din yun kapag wala na siyang ginagawa.
Kapag nakita mong may kasama siyang iba sa picture. - Sinasabi mo sa sarili mo na nagkataon lang to! Titingnan mo yung profile nung girl, titingnan mo kung marami pa bang pictures. Pero buo pa din yung tiwala mo sa kanya na wala lang yun, litrato lang at walang ibig sabihin, okay pa din kayo.
Kapag nasaktan nila tayo. - Sinasabi nalang natin sa sarili natin na siguro hindi lang talaga ito yung tamang panahon para magkasama kayo. At tiwala ka na balang araw, magiging maayos din ang lahat sa inyo. Magtatagpo ulit yung mga daan niyo. Pero sa ngayon, kailangan niyo munang masaktan at matuto.
Kapag matagal na panahon ng hindi siya nagpaparamdam. - Sinasabi mo sa sarili mo na siguro nahihirapan lang talaga siya sa school. Ikaw din naman busy sa school, siya pa kaya? Tsaka siguro din may problema siya ngayon. Nagpatong-patong na ang lahat kaya hindi na siya nagpaparamdam sayo. Isang text lang talaga, ikaw na bahalang magpagaan ng loob niya.